Sunday, June 28, 2015
About Us
Posts "tag-lish" (Tagalog-English) recipies.
Monday, June 22, 2015
BARBEQUE CHICKEN WINGS
INGREDIENTS
1 kl Chicken Wings
Paminta
(durog)
½ cup BBQ marinade
Procedure:
Lagyan
ng paminta ang chicken wings. Isalang sa 6 qts o frying pan. Ilagay ang BBQ
marinade haluin pa minsan minsan hayaan lumambot at matuyo.
OVEN-LESS BAKED MACARONI
INGREDIENTS:
400 g Penne Pasta
1/4 kl Ground Beef
1 pck Quickmelt Cheese
1 kg Spaghetti Sauce
1 pck Nestle Cream
1 can Cream of Mushroom
1 can Evap (big)
Onion and Garlic
Procedure:
I-pre-heat
ang Pan sa medium heat, igisa sa onion and garlic ang ground beef nang walang
mantika, takpan at palambutin ng atleast 5 minuto. Ibuhos ang spaghetti sauce,
evap, kalahati ng nestle cream at cream of mushroom, ihalo. Ibuhos ang Pasta. Takpan at haluin nang
madalas para hindi dumikit ang pasta.kapag al dente na hinaan ang apoy, ilagay
ang grated cheese, takpan at kapag nag melt na ang cheese pwede nang ihain.
PINEAPPLE UPSIDE-DOWN CAKE
INGREDIENTS:
250 g Maya Hotcake Mix
1 can Pineapple Slice (big)
¼ Butter
2 Eggs
Cherries
Procedure:
Paghaluin
sa isang bowl ang Maya Hotcake Mix, pineapple syrup at eggs hanggang sa wala
nang buo-buong powder.
I-pre-heat
ang Pan sa medium heat, tunawin ang butter. Hinaan ang apoy sa lowest heat.
Ilatag ang Pineapple Slice, patungan ng cherries sa gitna ng mga butas ng
slice. Ibuhos ang mix, unahing buhusan ang mga butas ng slice para hindi
umangat habang niluluto. Takpan ang Pan. Wait for 15 minutes. Patayin ang apoy.
I-set muna ng 3-5 minutes, at baligtarin sa isang plato ang cake.
GREASELESS FRIED CHICKEN
INGREDIENTS:
5 pcs Chicken thigh
Salt
and Pepper (to taste)
Procedure:
I-pre-heat
ang Pan, medium-high heat. (water test-patakan ng kaunting tubig ang Pan, kapag
nag-roll at hindi sinipsip, ready na ito). Prituhin ang manok, unahin ang
laman. Takpan ang Pan. Pagkaluto ng laman, baliktarin ang manok at i-half-cover
ang Pan hanggang sa lumutong ang balat.
Note:
Huwag
piliting baligtarin ang manok para hindi masira ang balat.
WATERLESS SINIGANG SUGPO/SUWAHE
INGREDIENTS:
10 pcs Sugpo/Suwahe (medium size)
1 1/2
kl Patola (hiwain nang pahalang)
4 pcs Kamatis (hiwain nang pabilog)
1 tali Sitaw (hiwain ng tig 2”)
5 pcs Okra (hatiin)
3 pcs Sili pansigang
2 pcs Sibuyas (hiwain sa apat)
Para sa pang-asim:
15-20
pcs Kalamansi
` Patis (to taste)
PROCEDURE:
Gamit
ang 3 o 6 quarts, ilatag ang kamatis, isunod ang sugpo/suwahe. Ipatong ang matitigas
na gulay- sitaw, okra, at sili isunod ang patola at sibuyas. Isalang sa kalan
sa Medium heat na apoy. Takpan nang 12-15 minuto. Ibuhos ang pang-asim at
ihalo. I-off ang apoy at isalin kaagad para hindi ma over-cook ang gulay.
Subscribe to:
Posts (Atom)




